Isiniwalat ng entertainment columnist na si Jun Lalin sa isang artikulo na isinulat niya ngayong araw sa NewsKo na hiwalay na umano ang bagong kapamilya star na si Janine Gutierrez at kapuso actor na si Rayver Cruz.

Ayon sa kanya umanong reliable source, isang buwan na raw na hiwalay sina Rayver at Janine.

Wala rin daw 3rd party na naganap sa hiwalayan ng dalawa kaya hindi pwedeng pagbintangan ang kanilang mga naging kaloveteam na sina Paolo Avelino at Julie Anne San Jose.

Ayon pa sa source ni Lalin, kulang raw sa time ang naging dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

“Ang alam ko, kulang sa oras para sa isa’t isa sina Janine at Rayver, kaya ang kuwento rin sa akin, mutual ‘yung decision nila na maghiwalay na lang.

“Eh, ngayon kasi, dahil sa COVID-19 pandemic, lock-in ang mga project sa showbiz, kaya halos hindi na nagkikita sina Janine at Rayver.

"So, nauwi na sa hiwalayan ‘yung relasyon nila." sabi ng source ni Jun Lalin 

Photo Screenshot from: NewsKo Digital on Facebook



 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post