Nagreact na ang komedyanteng si Ogie Diaz sa viral tiktok video ng isang guro na pina-imbistagahan ng DEPED na posible umanong mag-insinuate ng child abuse.
Makikita sa naturang viral TikTok video ang isang guro na pa-cute na nagsasayaw at may paghawi pa ng buhok na tila gustong kunin ang atensyon ng kanyang estudyante.
Ayon sa DepEd dapat maingat raw sa kilos lalo na sa social media ang mga teaching at non teaching personnel.
“We remind our teachers and non-teaching personnel to always subject our words and actions, including our social media activities, to the highest degree of ethical and professional standards.”
Samantala, sa kanyang post sa Facebook ay nagbigay ng kanyang reaksyon si Ogie.
Sabi niya:
"Mali naman talaga si Sir. Dapat lang kondenahin at bigyan ng sanction.
"Pero kung tutuusin mo, ganun lang yon, nagpa-cute lang, wala namang estudyante niyang nabalitaan tayo na na nag-claim na nag-take advantage si sir sa kanilang kainosentihan.
"He was just trying to be cool, sumabay sa agos ng usong nagpapaguwapo sa tiktok, pero hindi siya aware na ito na nga ang ending ng kanyang career.
"Di ba pwede first offense, warning muna? Magtatanda naman na siguro si sir.
"Mawawalan ng trabaho ang guro, dahil sa malisyosong pagpapa-cute. Habang yung ibang pulitiko o government officials, parang normal na lang sa kanila ang corruption o anomalya, pero wala pa ring nakukulong.
"Pag maliliit na tao, kayang parusahan, pero pag malalaking tao, mamumuti na p*bic hair mo, asa ka pa?"
DepED na bahala jan, Ogie. You have your thoughts and people respect your opinion but you should not take your thoughts/ideas as the best ones. Leave that to the authority that knows how to deal the things best :-)
ReplyDelete