Tapat na inamin ng actress na si Kim Chiu na mahigit isang taon siyang niligawan ni Xian Lim bago niya ito sinagot.

Sa kanilang latest vlog, sinagot ng longtime celebrity couple ang ilang mga katanungan ng netizens.

Isang sa mga tanong doon ay ang “Gaano katagal nanligaw si Xian sayo?” 

Sagot ni Kim: “Wow, gano katagal? One and a half, basta nag-one year din kaming ano, kasi syempre para sure. Ayoko namang makipaglaro sa feelings ko diba?” 

Nagbigay rin ng tip si Xian sa mga viewers tungkol sa relasyon.

Sabi ni Xian: “Tip lang guys, ang relationship is like building a house. Dapat strong yun foundation. Kung hindi strong yun foundation ninyo, kung laro laro lang naman yan sa umpisa, mabilis din yang mabubuwag. Make sure the foundation is great before you jump into anything, the foundation should be strong. Kung biglaan niyo lang sinagot yung tao, onting yanig lang, wala na.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post