Sa isang episode ng Cristy Ferminute ay pinag-usapan nina Cristy Fermin, Lolit Solis at Mr Fu ang pagiging matiisin raw  ni Julia Montes.

"Meron na kayong anak, yun ang paniniwala ng publiko ha na meron na kayong anak. Pero itinatanggi ninyo. Di ba dapat ipinagmamalaki ka ng lalaki dahil mahal na mahal ka. Yung babae kasi walang problema sa babae eh. Matiisin ang babae. Pero dapat manggagaling iyon sa lalake. Na bigyan naman niya ng kredito yung babaeng mahal niya." sabi ni Fermin 

Ayon pa kay Fermin, antayin nalang daw na i-reveal nina Coco at Julia ang tungkol sa kanila.

"Hintayin na lang natin kung kailan nila gustong umamin. Ibigay na lang natin sa kanila ýon. Pero matiisin talaga si Julia. Martyr. Ang tawag nga sa kanya, 'Mrs. Martyr.'" 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post