Binasag narin sa wakas ni Migs Bustos ang kanyang katahimikan kaugnay sa kumakalat na tsismis na umanoy siya ang papalit kay Kuya Kim bilang weather man sa TV Patrol.

Nito lamang October 27, sa isang media conference ng Life Talk, tinanong si Migs ni Tito Boy kaugnay sa nasabing tsimis.

Ayon kay Migs di raw niya alam, basta masaya siya kung anuman ang ibibigay sa kanya ng kapamilya network.

“To be honest, hindi ko talaga alam, how to go about it. So but–the real — I can’t really say much because a few days ago, they launched three personalities that are part of TV Patrol

“I’m really happy for the company, for them po. Basta ako, ang stand ko, kung sino man ang piliin, kung sino man ang nandoon, I’ll be happy to support the program and the company," 

Maalala na nagviral si Migs matapos lisanin ni Kuya Kim ang Kapamilya Network at lumipat sa GMA-7.

Sigaw kasi ng maraming netizens na siya ang ipapalit kay Kuya Kim bilang weather man sa TV Patrol.

“I had nothing to do with it. I saw it in the internet, I saw it in the social media that Kuya Kim is transferring, to GMA, tapos okay, biglang nag-pour in ‘yung engagement ko sa Twitter. I was really overwhelmed.

" Sabi ko, ‘Grabe naman.’ Kasi, sa larangan natin, tayo ‘yung sanay na naghahabol sa trending eh. Kunyari in my beat, sa sports, iniinterview natin kung sino ‘yung mga nagte-trend. The ones that are making the news," 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post