Palaisipan ngayon sa mga netizens ang madamdaming post ni McCoy de Leon para sa kanyang partner na Elisse Joson at kanyang anak.

Sa kanyang instagram, ibinahagi ni McCoy ang kanyang mensahe para sa kanyang mag-ina.

Kapansin-pansin sa post ni McCoy na tinawag niyang asawa si Elisse kaya palaisipan ngayon sa mga netizens kung ikinasal narin ba silang dalawa.

"At sa aking mag ina, Hindi man ako perpekto bilang ama o asawa pero gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo. Pinangako ko sa Diyos ito at mangangako hanggang sa huli. Mahal na mahal na mahal ko kayo Elisse at Felize."bahagi ng post ni McCoy

Basahin dito ang kabuuan niyang post:

"Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pag asa ng nanay mo. Nagtuloy tuloy ang pagsasamahan namin dahil sayo, kasi alam naming ikaw ang magiging dahilan kaya kami nabubuhay sa mundong ito. Walang hanggang kasiyahan ang binibigay mo sa amin. Simula nung nakita namin hanggang ngayon. Bawat ngiti mo nawawala lahat ng pangangamba namin. Aamin ko natatakot ako sa minsang magulong mundong ito, pero kahit anong mangyari poprotektahan kita hanggat buhay ako. Mamahalin kita nang higit pa sa sarili ko. At ngayon masayang masaya kami ng nanay mo na ipagmalaki ka sa buong mundo.

Para naman sa ina ng anak ko, maaring marami tayong pinagdaan simula noon hanggang nandito pa rin tayo. Nagmamahalan ng lubos, sumusugal sa lahat ng maaring mangyari at tinaggap ang bawat isa lalo na ako...kaya salamat Elisse ko.

At sa aking mag ina, Hindi man ako perpekto bilang ama o asawa pero gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo. Pinangako ko sa Diyos ito at mangangako hanggang sa huli. Mahal na mahal na mahal ko kayo Elisse at Felize."


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post