Nagsalita narin ang nakakatandang kapatid ni Shaina Magdayao tungkol sa tsismis na kumakalat ngayon na umanoy buntis na si Shaina.

Sa artikulo ng Bandera, ibinunyag ng kapatid ni Shaina na wala raw itong katotohanan.

“Hahaha! Hindi. Now ko lang narinig. Hehehe! Pero how I wish kasi 31 na siya,” sabi ng kapatid ni Shaina 

May sagot rin siya tungkol kay Piolo at Shaina na naispatang sweet na sweet kamakailan sa Bohol.

“Hindi rin wala naman siyang sinasabi and Piolo naman is malambing sa lahat. Hindi ko alam ‘yan kasi hindi naman namin napag uusapan si Piolo.” 

Tila nagulat rin ang isa pang kapatid ni Shaina na si Vina Morales tungkol sa mga larawan ng kanyang kapatid kasama si Piolo.

“Ewan ko diyan sa dalawang ‘yan. Ha-hahaha! Lagi naman kasing sweet yan sa isa’t isa. Ha-hahaha! Naku, tanungin mo sila, ako ayaw ko nang tanungin si Shaina.

“Nagulat na nga lang ako sa photo na ‘yun. Ang alam ko lang kasama n’ya si Jodi sa Bohol, Nandu’n pala si Papa P. he he he.”

Source: Bandera 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post