Aminado ang  "Mary Me Marry You" star na si Jake Ejercito na hindi madali para sa kanila ni Andie Eigenmann ang co-parenting set-up para sa anak nilang si Ellie Eigenmann.

Sa isang youtube vlog kasama si Francine Diaz ay ikinuwento ng actor ang kanyang pinagdadaanan sa nasabing set-up.

“Hindi siya madali. And marami na rin kaming pinagdaanan bago kami dumating sa point na ‘to na we found the right balance.  

“Marami kaming pinagdaanan na ups-and-downs na parang roller coaster.

 “Siyempre, when we became parents, 21 lang kami pareho. Then siyempre ‘yung pride, ‘yung maturity. 

“So it took a while. Years before kami dumating sa point na ‘to na inuuna na namin ‘yung welfare ni Ellie. 

Hinihikayat din niya si Ellie na magbasa ng libro.

“Si Ellie kasi she’s very active, eh especially ‘pag nasa Siargao siya. Lagi ‘yang nasa beach or nagba-bike.  

“So, ang gusto kong matutunan niya is ‘yung magbasa ng books. So whenever she’s with me, nahihirapan ako, pinipilit ko siyang magbasa. So, we started with Harry Potter,” 

Ayon pa kay Jake, kapag sila raw ay nagkasama ay talagang sinusulit niya.

“Kasi ‘yung setup nga namin, I’m not always with her. Most of the time kasama niya ‘yung mommy niya sa Siargao.  

“So, whenever she’s with me, laging memorable kasi sinusulit ko lagi ‘yung pagkakataon. Kaya nga kahit ayaw ko man, I have no choice but i-spoil siya kasi minsan lang kami magkasama,” lahad pa ng binatang ama. " 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post