Pinuri ng actor na si John Estrada ang pagiging seksi ngayon ni Megastar Sharon Cuneta.

Sa kanyang post sa instagram, ibinunyag ni John na bago pa niya nakasama sa pelikula si Sharon ay naging tagahanga siya nito.

"Bago ko sya nakasama at naging asawa sa mga pelikula .... Alam nya na tagahanga nya ako ...."ani John Estrada 

Excited narin daw si John na makatrabaho si Sharon sa Ang Probinsyano.

"Sobrang Excited kaming lahat na makatrabaho ka sa Ang Probinsyano .... at isang Karangalan. napaka galing, napaka bait , ang galing makisama at napaka humble .... yan po ang Mega Star naten" sabi ni John Estrada 

Di rin daw kinaya ni  John ang kaseksihan ngayon ni Sharon.

"D ko kinaya ang kaseksihan mo ngayon wifey .... 🤣🤣🤣 so happy for you .... Keef it uf 👏👏👏🤣 lov u ..... ❤" sabi pa ni John 






Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post