Usap-usapan ngayon sa social media matinding pasabog ng online influencer at self-proclaimed "Marites" na si Xian Gaza tungkol sa umanoy matinding away nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Ayon sa facebook post ni Xian, nagcheck-out raw sina Barbie at Diego nitong November 1 sa Tagaytay ngunit sira-sira at basag-basag raw ang kanilang kwarto dahil sa matinding away.

"Kompirmd mga Mars! Barbie Imperial and Diego Loyzaga, nag-check out sa Escala Tagaytay last November 1 na sira-sira at basag-basag ang buong kwarto matapos mag-away nang malala. Ultimo bote ng wine ay ibinato sa aircon." sabi ni Xian sa kanyang post 

Samantala sa Facebook post ni Barbie ay sinabi niya na may isa umanong scammer na gustong sumira sa kanilang relasyon peru sila parin daw ni Diego hanggang sa dulo.

"Na realize ko nung may scammer na naninira sa relasyon namin. Charot asa ka kami pa din hanggang DULO 😋" sabi ni Barbie 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post