Tapat na inamin ng "Huwag Kang Mangamba" star na si Sylvia Sanchez ang totoong dahil kung bakit papasok sa politika ang anak niyang si Arjo Atayde.

Isa sa mga dahilan kung bakit tatakbo si Arjo ay para muling mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Sa isang interview, isiniwalat ni Sylvia na nalungkot at nagalit si Arjonang mawalan ng trabaho ang marami niyang kasamahan nang magsara ang ABSCBN.

"Yes, because of ABS. Isa 'yan sa reasons. Nanahimik na siya nun. Hanggang nang magsara ang ABS. Dun talaga," pahayag ng actress

"Dun siya nalungkot, nagalit, nalungkot siya sa lahat ng Kapamilya. Sa mga kaibigan sa loob, mga pamilya, lahat-lahat, natanggalan ng trabaho tapos pandemic pa. Yun talaga ang isa sa pinakarason niya," dagdag pa niya

Sinabi rin ng aktres na kontra siya sa pagtakbo ni Arjo bilang congressman, pero susuportahan niya ito dahil sa layon nito na tulungan ang mga katrabaho sa network.

"Anak ko 'yan, e. Wala akong magawa kundi suportahan na lang ang anak ko," dagdag niya.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post