Tapat na inamin ng kapamilya star na si Heaven Peralejo na umabot sa kalahating milyon (P500,000) ang nagastos niya sa kanyang dating boyfriend.

Ayon sa artikulo ng Pep.ph mayroon raw tatlong boyfriend si Heaven. 

Isa na rito ang anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel at ang kabe-break lamang niyang boyfriend na si Kiko Estrada.

Hindi naman pinangalanan ng 21-anyos na si Heaven kung kanino niya ginastos ang pera.

Dedma naman siya sa paglalarawan sa kanya na isa siyang "sugar mommy" at "tanga."

“Kasi pag nagmahal ako--in all-out. Ganoon ako kahit with anybody else, like family, kasi mahal ko kayo. Pera lang 'yan, atatrabaho ko ‘yan," sabi ni Heaven 

Hindi rin daw pinagsisihan ni Heaven ang pera na kanyang nagastos.

“Hindi ko naman nire-regret kasi minahal ko naman siya," dagdag niya.

Kasalukuyan naman ngayon nasa Siargao si Heaven habang ini-enjoy ang kanyang bakasyon.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post