Maraming netizens ang naantig sa naging reaksyon ng Nanay ni Madam Inutz matapos niyang ipakita ang kanilang bagong bahay.

Sa kanyang latest vlog ay ipinakita ni Madam Inutz ang kanyang two-storey house na bigay ng kanyang manager na si Wilber Tolentino.

"Since bata pa ako, matagal na matagal ko nang pangarap 'yung magkaroon ng sariling bahay at lupa. Alam mo 'yun, tapos ngayon lang, ngayon lang nangyari. Kaya sobrang excited ako kaya di ako nakatulog.

"Simula bata kami, talagang palipat-lipat kami ng bahay, walang tirahan. Naranasan pa namin mapaalis... Sobra, sobrang hirap ni Nanay. Kaya, 'tong bahay na 'to, para sa kanya 'to. Naiiyak ako"

Sa nasabing vlog, ay masayang tinawagan ni Inutz sa kanyang ang kanyang nanay para ipaalam ang magandang balita.

“Gusto kong sorpresahin ang nanay ko. Hindi alam ni Nanay na hawak ko na ang titulo, may bahay na kami, aayusin pa ni Sir Wilbert.” 

Naiyak na lamang si Madam Inutz matapos niyang makita ang reaksyon ng kanyang nanay.

"Nay, may bahay na tayo!" 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post