Nagsalita narin sa wakas si BB Gandanghari kaugnay sa isyu ng hiwalayan nina Aljur Abrenica at pamangkin niyang si Kylie Padilla.

Sa kanyang instagram live, ay inamin nitong alam niya ang tungkol sa paghihiwalay ng dalawa.

"Siyempe alam ko naman na nagkaroon ng problema ang marriage nila. Nagkahiwalay sila. Pero that's all I know. Ayaw ko ring pag-usapan 'yung tsismis. So hindi ko alam. Matagal na 'yun. Matagal na silang hiwalay. That's what I know," 

Peru nasorpresa raw siya matapos niyang mabasa ang komento ng isang netizen tungkol sa post ni Aljur na umanoy ang pamangkin niya ang unang nagloko.

"No way? He did? Sinabi niya? I don't know that. That, 'di na ako puwede makialam. Hindi ko talaga alam. This is the first time na narinig ko 'yan. So I don't know. Hindi naman ako nagtatanong," 

Nagbigay rin ng payo si BB kina Aljur at Kylie.

"Pero ito lang ang sa akin. Kasi ang paghihiwalay galing tayo diyan hindi ba? Ang paghihiwalay is not a joke. It's not a career move or something to be 'yung para mapag-usapan ka. Masakit 'yan.

So what I can advise to these two, being younger that you are, eh try to keep your dirty linens in the washroom. I'm sure you know what I mean," 

Ayon pa kay BB mas mabuti raw na isipin ng dalawa ang kapakanan ng kanilang mga anak.

"Mahirap makiaalam. Pero 'yon lang, Try to keep things in private as much as possibe kasi may mga anak kayo, unang-una. So, 'yun lang masasabi ko. That's a very touchy subject. So as of now, I think you're not the priorities. I mean the parents, Kylie and Aljur, I think what you need to think about now are the children. Kung meron man ako maipapayo bilang auntie, 'yun siguro ang mapapayo ko at 'yun lang din masasabi ko," 

Maalala na nito lamang Hunyo, kinumpirma ni Robin Padilla sa isang interview na hiwalay na ang kanyang anak sa mister nitong si Aljur.

Anong masasabi mo dito? Mag-iwan ng iyong komento sa comment section at wag mag-atubiling i-follow ang aming page.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post