Hindi raw alam ng master rapper na si Andrew na anak ng action star na si Jeric Raval ang kanyang ka kissing scence na si Aj Raval sa pelikula nilang "Shoot! Shoot! Di Kita Titigilan"

Kwento ni Andrew, hindi raw sila masyadong nagkakilala ni Jeric dahil magka-iba raw sila ng mother unit. Si Jeric ay nasa Octo-arts samantalang siya naman ay sa Viva.

Isang beses lang daw sila nagkita ni Jeric noong may nagkasama sila sa concert sa  Jolo,Sulu around 6 to 7 years ago.

Kaya ito raw ang dahilan kung bakit hindi siya nagkaroon ng chance na makapagpasintabi kay Jeric para sa gagawin nilang kissing scene ni Aj.

 “So kung pasintabi ang tanong hindi ako nagkaroon ng chance, and the next thing I knew was meron na akong movie with AJ. So, you know, everything happened naturally and was never thought of that and kasi hindi ko naman alam na anak niya si AJ. 

“Ako naman hindi ko rin alam na there was Shoot! Shoot!, na magbabalik mula sa sa lungga 18 years ago at biglang maghi-hit.  So, I never knew about that, I didn’t see it coming,” paliwanag ng aktor. 

Source: Push

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post