Sobrang happy ngayon ang mga kilalang entertainment columnist na sina Cristy Fermin, Lolit Solis at Mr. Fu matapos inanunsyo ni Kris Aquino na siya ngayon ay engage na na siya kay Mel Sarmiento.

Peru nung una raw makita ang video na ipinost ni Kris sa kanyang instagram, ay naloka raw sila dahil akala nila ay si Joey Marquez dahil magkamukha raw ang mga ito.

"Ako nagulat ako, post ng photo, akala ko si Joey Marquez," sabi ni Mr.Fu

"Ay ako talaga, kinilabutan ako. Inabot sa akin ni Gemma. 'Ate ito po yung post ni Kris, yung video.' Pag ganun ko, kinilabutan ako. Joey Marquez talaga ang hitsura,"sabi naman ni Cristy Fermin 

"Hala, ako rin, nung unang photo, pero, nung nabasa ko ang caption... ay iba." sabi naman ni Mr. Fu 

Peru sa huli ay wish parin ng tatlo na maging happy si Kris sa kanya ngayong love life.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post