Inireklamo ng cyber libel si Annabelle Rama ng dating aide ni Manny Pacquiao na si Jayke Joson sa tulong ng abogado nitong si Larry Gadon.

Sa isang interview, sinabi nina Joson at Gadon na ineraklamo nila si Rama dahil sa pakikisawsaw nito sa isyu nina Joson at Pacquiao.

Maalala na nito lamang nakaraan ay nagpost si Annabelle sa kanyang social media para dipensahan si Manny Pacquiao laban sa mga akusayson ni Joson na umanoy tinakbo na Pacquiao ang P165M na mula sa Paradigm Sports.

Sa kanyang instagram post, ay tinawag niya ang atensyon ni Joson at sinabihan itong natanggal siya sa team dahil sa umanoy illegal at dishonest niyang ginagawa.

Peru ayon kay Gadon, dapat makulong si Rama sa pambu-bully kay Joson.

"Yung mga statements niya would qualify as libel, bullying kaya ito ay aming tutuluyan.

"Ninanais namin talaga dito, ang aming gustong mangyari dito, ay maipakulong si Annabelle Rama,"sabi ni Gadon

"Sinasabi niya na si Jayke ay isang alalay lamang at ito ay magnanakaw ng pera ni Manny Pacquiao. 'Yun ang pinakamatindi dun na inakusahan niya si Jayke ng pagiging magnanakaw. Aside from magnanakaw, siya ay manloloko...na siya raw ay tinanggal ni Manny Pacquiao na hindi naman katotohanan sapagkat kusa si Jayke umalis," hirit pa ni Gadon.

May banta rin ang abogado sa iba pang mambu-bully sa kanyang kliyente.

“Yung mga nakikialam at nakikisawsaw na kagaya ni Annabelle Rama ay aming bibigyan ng leksyon at talagang aming idedemanda. Sapagkat napakatibay, sobrang tibay ng ebidensya laban sa kanya sapagkat sarili niyang account yun," aniya pa.

Anong masasabi mo dito?

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post