Ini-intriga ng maraming netizens ang viral ngayon na sweet photo nina Vin Abrenica at singer na si Sheryn Regis.

Ang nasabing sweet photo ay ipinost ng singer sa kanyang IG Stories.

Makikita sa larawan na sumasandal si Vin sa wall habang sila ay nagtitinginan.


Tila nahihiya pa si Sheryn habang nakatingin sa mga mata ng actor.

Dahil sa sa nasabing sweet na larawan, lumabas ang haka-haka na may namamagitan sa dalawa.

Peru marami paring netizens ang naniniwalang related ang sweet photo na ito sa newly-released single ni Sheryn na may pamagat na "Gusto Ko Ng Bumitaw".

Ikaw anong masasabi mo dito?



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post