Sasagutin na ni Raffy Tulfo ang honeymoon ng bagong kasal na si Cherry Pie Satingasin at mister nito matapos silang maloko ng kanilang wedding coordinator.

Maalala na nitong nakaraang araw ay nagviral ang video ni Cherry Pie na humahagulgol sa labas ng kanila sanang reception dahil wala raw na-ibook na venue ang kanilang coordinator na si Naser Fuentes.

Dumalo sila sa programa ni Raffy Tulfo para isumbong ang nasabing coorditor.

Ngayon, matapos na maisa-ere ang hinaing ni Cherry Pie sa programa ni Tulfo, nadakip na ng mga awtoridad ang wedding coordinator na masasampahan ng kasong estafa. 

Sa nasabing programa, pinapili sila ni Tulfo sa kung anong lugar ang gusto nila pag-honeymoonan at wala silang babayaran.

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post