Naglabas na ng kanyang saloobin ang isang Reinanay Contestant sa Its Showtime na si Marilyn Lagsa matapos itong umani ng pambabatikos.

Ito ay matapos ibinunyag ng ina ni Lagsa sa nasabing show ang umanoy hindi niya pagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak ng 10 years na iniwan lang sa kanyang ina.
Nang mahingan si Ruffa ng komento sa nasabing contestant ay di niya mapigilang pagsabihan ito.

Talak ni Ruffa sa nasabing contestant: "Alam mo, Marilyn, habang pinapakinggan kita, naha-high blood ako pati si Ate Janice at si Ate Amy. Kasi iniwan mo lang ang mga anak mo sa nanay mo for 10 yrs. na hindi mo sinusustentuhan. Alam kong mahadera kang sumagot kina Vice kanina pero naha-high blood ako dahil maawa ka naman sa nanay mo," 

Matapos ang ilang araw sa  episode na iyon, naglabas ng pahayag si Marilyn. Ito ay dahil sumama daw ang loob niya sa isang judge na pinahiya siya.

Saad ni Marilyn, “May isang judges na hindi marunong umintindi, pinahiya din po ako! Sana nu’ng time na po na ‘yun, naisip din niya na naka-live po kami. ‘Di rin marunong mag-isip ‘yung judges ho na ‘yun!”

Hindi man niya ito pinangalanan peru halatang si Ruffa Gutierrez ang kanyang pinatamaan.

Panoorin dito amg pahayag ni Lagsa.

Anong masasabi mo dito?

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post