Binasag narin sa wakas ni Claudine Barretto ang kanyang katahimikan kaugnay sa tsismis na umanoy baon siya sa utang kay Jinkee Pacquiao.

Nilinaw ni Claudine na hindi totoo ang tsismis at wala siyang utang sa kanyang kumareng si Jinkee.

"May lumalabas na tsismis na may utang daw ako kay Jinkee Pacquiao, which is my kumare."

 "Si Manny is godfather, ninang naman ni Santino si Jinkee Pacquiao. Kumare ko talaga yan. Sobrang bait."

"Lately, may mga lumalabas na baon-baon daw ako sa utang kay Jinkee Pacquiao. At saka meron kaming business, transaction o trabaho na hindi nagprosper."

"Alam niyo ho sa una kasi hindi mo naman papansinin talaga pero pag hindi na mamamatay-matay ang tsismis, nakaka-bother na rin."

 "Nakakahiya, nagda-drgag ang pangalan ni Jinkee sa kung sinuman ang gustong gumawa ng kwento sa akin."

 "Kaklaruhin ko ho ngayon pa lang, wala ho akong kahit na anogn utang, kahit kanino, kahit kay Ms. Jinkee Pacquiao na kumare ko." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post