Ogie Diaz pinagtanggol si Toni Gonzaga matapos itong batikusin dahil sa interview niya kay Bong Bong Marcos

 

Ipinagtanggol ng talent manager na si Ogie Diaz ang tv-host actress na si Toni Gonzaga matapos itong batikusin dahil sa interview nito kay Bong Bong Marcos.

Maalala na gumawa ng isang open letter ang Ateneo Martial Law Museum para kay Toni Gonzaga na kung saan hinikiyat nito ang actress na interview-hin ang mga biktima ng Martial Law.

Sabi ni Ogie:

"Kahit naman ako si Toni Gonzaga, bakit ko iinterbyuhin ang mga Martial Law victims?  

Andu'n na ako. Na wala ako doon. Na naiintindihan ko sila. Na somehow, alam ko din yon, kahit 2yo pa lang ako at that time at nalaman ko lang nung malaki na ako. Na nakikidalamhati tayo.

Ano ba ang gusto nilang ikorek ke Toni eh nagtatanong lang naman yong tao? Kung feeling ng ibang netizens at historians na mali si Toni, mali ng claim si Bongbong Marcos, eh di gawa rin kayo ng youtube channel, tirahin n'yo si Toni, boldyakin n'yo si Bongbong.  

Ilabas n'yo yung mga itinatago n'yong ebidensiya ng mga biktima ng Martial Law at ipamukha n'yo kay Toni o kay Bongbong at i-remind n'yo uli yung sambayanang Pilipino sa madilim na kasaysayan ng bansa nu'ng Martial Law. Di ba, mas okay yon? Mas kumpleto n'yong maipe-present ang kasaysayan noon.

Pero 'yung i-demand n'yo kay Toni na interbyuhin din niya ang mga biktima o pamilya ng mga biktima ng Martial Law, di ba, ka-oeyan yan? Unless pagbigyan kayo ni Toni. Choice niya na yon, dahil siya may-ari ng channel niya.

Tingnan n'yo, kakasita n'yo kay Toni, ang daming na-curious, pumunta sa yt channel ni Toni, pinanood nila yung Bongbong interview, nakadagdag pa ng views.

So, ano? Dapat ba may isyu rin nu'ng unang panahon si VP Leni Robredo para manganak din ang number of views nito sa one-on-one interview nito with Toni a few weeks ago?"


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post

Contact Form