Proud na ibinunyag ng actor na si Lester Llansang na isa na siya ngayong ganap na delivery rider sa Lalamove.

Sa latest vlog ng komedyanteng si Ogie Diaz, isiniwalat ni Lester ang kanyang trabaho ngayon matapos ang kanyang role sa Ang Probinsyano.

“Sinubukan ko siya pero in-enjoy ko siya tito, promise… Nagde-deliver ako ng mga pangangailangan ng tao.”

"Umulan, umaraw nandun ako, isa ako ngayong Lalamove rider,” 

Ikinuwento rin ni Lester na sa una ay nahihirapan siya peru di kalaunan ay na-eenjoy na raw niya ang kanyang ginagawa.

Malayo man ito sa kanyang kinalakihan peru ang importante raw sa kanya ngayon ay kumikita.

"Nasa state ako ngayon na 'di baleng mababa ang kita kesa wala," 

Panoorin dito ang buong interview:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post