Sa kanyang latest showbiz update vlog, ay pinag-usapan nina Ogie Diaz at kanyang partner na si Jegs ang tungkol sa pag-unfollow ni Karla Estrada kina Bea Alonzo at Dominic Roque.

"Narinig ko lang ha... Parang may kinalaman nga ito sa Dominic Roque at Daniel Padilla na gap. Dahil,sa pagkakaalam ko Jegs, may nasabihan si Karla, na isang tao, na sinabi niyang si Dominic, malabo na silang magkaayos ni DJ," 

"Tapos, si Dominic, ewan ko ba kung saan galing yung mga ginagastos ni DJ. So hindi ko alam kung ano yun..."

Sinabi rin ni Ogie na mabuti raw na linawin ni Karla ang isyung ito.

"Eh anyway, kung nanonood si Karla, mabuti nang linawin niya ang isyung ito, para na rin sa kapanatagan ng loob ng mga fans ni Daniel, kung sila man ay nagtatanong din kung bakit nagkasira ang friendship ni Dominic at ni Daniel."

 "Dahil sa pagkakaalam ko, sobrang tagal na sila,"

Ikinalulungkot din ni Ogie kung sakaling hindi na magkaayos sina Dominic at Daniel.

"Ako ha, nalulungkot ako Jegs kung sakali hindi na magkaayos sina Dominic at DJ, kasi sayang yung friendship. Jusko naman, ang hirap-hirap pa naman makatagpo ng tunay na kaibigan sa mga panahon ngayon."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post