Sa latest vlog ni Ogie Diaz kung saan na-interview niya ang dating actor sa Ang Probinsyano na si Lester Llansang ay tinanong niya ito kung sinong artista ang kanyang hinangaan.

Sumagot agad si Lester na si 'Gelocs'. Ito ang tawag niya kay Angel Locsin.

Madalas raw tumugtog si Lester sa bar at nung isinilang na ang kanyang anak ay aminado itong wala siyang panggastos.

"Wala akong budget, as in ipit, nakaipit 'yung budget. Si Angel 'yung sumagot, yung buong hospital bill, yung buong bayarin"

"Tapos ninang pa siya,"

Ibinunyag rin ni Lester na hindi na siya siningil ng actress.

"hindi siya ganun, hindi ganun si Angel, nakakatuwa siya,"

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Lester kay Angel dahil sa kabutihan nito sa kanya.

Panoorin dito ang kabuuang interview:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post