Di mapigilang batikusin ni Ogie Diaz si Harry Roque matapos magviral ang leaked video nito na kung saan pinagalitan niya ang mga doktor sa meeting nila ng mga IATF.

Sa nasabing video ay makikita tumaas ang kanyang boses at tinuturo nito ang mga doktor.

Kaya naman sa kanyang facebook ay naglabas ng kanyang saloobin si Ogie.

Sabi niya: 

"Wag kang umastang amo na pagagalitan mo yung mga doktor, Spox Harry Roque.  

Pwede ka namang kalmado lang, magsalita ka nang maayos at malumanay.   

Wag makikipag-meeting pag kulang sa tulog o hindi relaks ang isip. Pahinga ka din kasi. 

Tingnan mo yan. Pinairal mo yung init ng ulo mo eh ikaw nga dapat ang tulay ng gobyerno sa mga health workers. Nakalimutan mo rin na hindi mo sila palamon para magtaas ka ng boses at dumuro-duro ka.

Hindi lang ikaw ang napapagod sa trabaho mo bilang spokesperson. Human rights lawyer ka pa naman, o! Nakalimutan mo, no?

Nakalimutan mo din na mas nasa panganib ang buhay nila kesa sa yo. Kaya wag lang trabaho mo ang isipin mo. Isipin mo din sila. 

Wala ka bang kaibigang doktor para mahingan mo ng payo o suggestion kung paano tutugunan ang mga concerns ng health workers?

Saka Sir Harry, alagaan mo ang health mo, ha? Iwasan mong maospital. Kasi, baka walang umasikaso sa yo sa ospital, dahil lang sa ginawa mong yan sa kanila. 

Ayaw nating nakakarinig ng, “Time of death...”"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post