Isiniwalat ni Julia Barretto sa isang interview na susuko lang umano siya sa isang relasyon kung umayaw at tatalikuran  siya ng kanyang partner.

Sa isang virtual conference ng "Di na Muli" ay tinaning si Julia ng entertainment columnist na si Dolly Carvajal na pinadala niya kay Mj Marjorie.

"In the trailer, ‘pag mahal mo di dapat sukuan.’ This is for Julia, what are the reasons that will make you give up on someone you love?” : binasa ni Mj ang katanungan ni Dolly 

Medyo nag-alinlangan si Julia na sagutin ang nasabing katanungan kaya pinapa-ulit niya ito.

“Yes, pag mahal mo di dapat sukuan. But in real life, what are the reasons that will make you give up on someone you love?”: paglilinaw ni MJ sa katanongan ni Dolly para kay Julia 

Aminado naman si Julia na nahihirapan siyang sagutin ang katanungang ito.

"Ang hirap sagutin ng tanong na ganyan lalo na pag wala ka sa sitwasyon na ganun," sabi ni Julia 

Matapos nito ay sinagot ito ni Julia na tatalikuran lamang niya ang kanyang partner kung mauns itong tatalikod sa kanya.

"Siguro I will only walk away from a relationship kapag ayaw na ng isa. I’ll only walk away when he walks away,"sabi ni Julia 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post