Isang masayahing larawan ang ipinost ni Heaven Peralejo sa kanyang social media account sa gitna ng isyung hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Kiko Estrada.

Maalalang binura ni Kiko ang mga sweet na larawan nila ni Heaven at inu-infollow niya ito sa Instagram.

Sa latest vlog naman ni Ogie Diaz, ay feeling raw niya na hiwalay na sina Kiko at Heaven.

"Kapag ganyan na nag-unfollow na si lalake du'n sa babae, wala na 'yun... Mako-confirm natin kung talagang wala na sila kung si Heaven ay mag-a-unfollow na rin kay Kiko at magde-delete na rin siya ng photos nila. So 'yun na 'yon, one way of saying, 'wala na kami.' Hindi natin alam kung ano ang rason pero ako may nakausap ako, wala na sila, nag-split na sila."sabi ni Ogie 

Sa latest post ni Heaven ay sinabi niya na ang dalawang aso raw niya ang nagpapasaya sa kanya.

"Okaaaaay I think I’m a legit furmom now because these things make me happy!"


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post