Kinumpirma ni beteranang entertainment broadcaster Cristy Fermin na sina Paolo Contis at Yen Santos ang nasa viral video kung saan makikitang magkaholdings ang mga ito habang naglalakad.

Sa mga nagviral na video at mga larawan ay medyo hindi ito makilala dahil nakabalot ang kanilang mukha ng mask at face shield.

Kaya naman sa kanyang show na Cristy Ferminute ay kinumpirma niya sila sina Paolo at Yen ang mga ito.

"Kumpirmado po. Yung lumabas na larawan ni Yen at tsaka ni Paolo na nagsimba po sa Manaog. Sila po talaga yun," sabi ni Cristy 

Ayon pa kay Cristy, sila rin daw ang mga personalidad na naispatang kumakain sa isang restaurant.

Dagdag pa niya, matapos raw magsimba nina Yen at Paolo ay kumain raw ang mga ito sa restaurant.

Isiniwalat rin ni Cristy na matagal na umanong hiwalay sina Lj Reyes at Paolo bago ito mangyari.

Sa ngayon ay tikom parin ang bibig ni Yen Santos at Paolo Contis sa nasabing isyu.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post