Hinangaan ng actress na si Heaven Peralejo ang kanyang kaloveteam na si Gino Roque sa movie na "Pasabuy" dahil sa pagiging gentleman raw nito.

Sa media conference ng Pasabuy sa WeTV, ibinunyag ni Heaven kung ano katrabaho si Gino.

Sabi ni Heaven na "Madaling katrabaho si Gino eh. Maganda kasi sa aming dalawa, nage-exchange kami ng energy kung yung isa pagod, tapos yung isa hindi, dun ka kukuha ng energy para maganda yung proyekto."

Inalala rin ni Heaven sa nasabing interview ang pagbigay ni Gino sa kanya ng room kahit hindi niya ito hinihingi:"Si Gino rin kasi nag-aalaga...Maalaga siya sa mga co-stars niya..Gentleman din si Gino."

Ang "Pasabuy" ay isinulat at dine-direk ni Xian Lim.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post