Tatakbo bilang Bise-Gobernador ang Ex-PBB Housemate na si Ejay Falcon sa kanyang hometown sa Oriental Mindoro.

Kinumpirma ito ng actor sa isang exclusive interview ng ABSCBN sa kanya.

“Ako po ay tinawag ng kabutihan. At ang kabutihan na yun ay ang maglingkod sa ating bayan at hindi mo matatanggihan na yun. Ako po ay papasok sa larangan ng pulitika at pagiging public servant," ayon sa 31-anyos na aktor.

Umaasa si Ejay na suportahan siya ng mga tao bagong larangan na kanyang papasukin gaya noong pagsuporta nila sa PBB at bilang actor.

“Sana ay suportahan n'yo rin ako sa ganitong klase ng larangan. Sinuportahan nila ako bilang isang aktor at PBB winner. Sana po ay suportahan din nila ako,” ayon pa kay Ejay. 

Ibinahagi rin ni Ejay ang tungkol sa viral niyang post na kung saan ikinuwento nito ang tungkol sa kanyang pagiging kargador.

“I’m proud na i-post yun at sabihin sa lahat ng tao na galing ako sa ganoong trabaho noong kabataan ko. Sana sa simpleng post kong yun, ma-inspire ko yung mga kabataan, mga magulang na nangangarap para sa kanilang anak,” ayon pa sa aktor na tubong-Pola, Oriental Mindoro.

Sinagot na rin ni Ejay ang kanyang mga kritiko na kumukwestyon sa kanyang abilidad para maging lingkod-bayan dahil sa wala itong background sa serbisyo-publiko.

“Unang-una, 'wag nilang nila-'lang' ang pag-aartista dahil napakahirap po ang pag-aartista dahil dugo't pawis din ang ibinigay namin d'yan,” banggit pa ng aktor. 

Wala man itong background sa pulitika, s'ya naman ay nakilala bilang isang magaling na aktor. Pamilyar s'ya sa kanyang lead roles sa "Dugong Buhay" at "Sandugo". Huli s'yang napanood sa "Paano ang Pasko/Pangako" ng TV5 noong isang taon.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post