Inalala ni Gigi de Lana ang hirap na kanyang dinanas noong hindi pa siya nagsisimula sa showbiz.

Sa panibagong vlog ni Karen Davila, ibinahagi ni Gigi na hindi madali ang pamumuhay mula sa Olongapo noon nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang. 

“Mahirap po siya talaga kasi kaming dalawa lang yung nagtutulungan. Tapos para mapag-aral niya 'ko, uutang siya [nanay],” pagbubunyag ng singer 

Ito raw ang dahilan kaya sumali siya sa ibat-ibang singing contest.

Ilang beses rin daw sumali si Gigi sa "X-Factor" at "The Voice" peru hindi siya pinalad.

Inilahad din ni Gigi na titigil na raw sana siya sa pagsali sa mga singing contest peru nabigyan siya ng opportunity sa Tawag ng Tanghalan sa Its Showtime at doon siya nakilala.

Naging semi-regular siya sa nasabing show at nagbigay daan sa kanya para magkaroon ng pagkakitaan.

Kamakailan lang, nagviral si Gigi dahil sa video challenge nito na "Bakit Nga Ba Mahal Kita?".

Mula nang magviral ito, ay naging sunod-sunod na ang kanyang naging proyekto kabilang na ang pagiging regular niya sa "ASAP Natin To".

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post