Sa wakas ay binasag narin ng komedyanteng si Vice Ganda ang kanyang katahimikan kaugnay sa kumakalat ngayon na isyu na umanoy ikinasal na sila ni Ion Perez.

Habang naglalaro sila ng "lie detector" sa vlog ng kaibigan niyang si Negi ay itinanggi niyang kasal na sila ni Ion.

"Ngayon lang po ako magsasalita sa isyu na 'yan, eto na -- wala kayong pakialam," panimulang sabi ni Vice 

Nang tanungin muli ni Negi kung kasal na ang sikat na host ng "It's Showtime," sagot ni Vice: "Hindi."

Sumang-ayon naman ang "lie detector" nang hindi makuryente si Vice matapos ibigay ang kanyang sagot.

Maalala na nito lamang nakaraang buwan ay nagviral at usap-usapan sa social media sina Vice at Ion dahil sa tsismis na umanoy ikinasal na ang dalawa.

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post