Kumpirmado na ang pagbabalik kapamilya ng actor na si John Estrada matapos itong napapanood sa TV5.

Base sa post ng Dreamscape Entertainment, papasok na rin si John bilang bagong cast sa longest running teleserye ng ABSCBN na Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ayon pa sa Dreamscape, excited narin raw si John na makatrabaho si Coco.

"Napakasaya ko, dito ako nagsimula sa ABS-CBN. I'm happy to be back. Blessing sa akin na bumalik sa ABS-CBN at mapasama sa FPJ's Ang Probinsyano,"sabi ni John

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post