Humiling ang beteranang entertainment news writer na si Lolit Solis na huwag idamay ang kapamilya actress na si Yen Santos sa umanoy hiwalayang Lj Reyes at Paolo Contis.

"Naku ha, smokes screen naman masyado iyon tsismis na isinasali sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes iyon pangalan ni Yeng Santos Salve. Open secret naman o silent whisper kung sino talaga ang karelasyon ni Yeng Santos noh ! Huwag na siyang isali at baka kung ano pa ang lumabas , mas shocking pa ang mangyari. " 

Ayon pa kay Lolit, walang 3rd party sa hiwalayan nina Paolo at LJ at huwag rin daw idamay si Yen.

"Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes , it was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon. Kesa naman humantong pa sa pag aaway, mas gusto na nila na maghiwalay ng maayos, at dasal na mag end as friends. Huwag na natin idamay pa si Yeng Santos dahil may sarili siyang love story kaya hindi siya kasali sa love life nila Paolo at LJ noh ! " 

Humiling rin si Lolit na huwag ng masyadong guluhin ang isyu.

"Huwag ng guluhin ang issue, huwag ng magdagdag ng casting para hindi lumaki ang production cost, hah hah. Stop na natin script sa ending nila Paolo at LJ, huwag ng dagdag subplot para hindi gumulo ang istorya. Ganuon lang iyon, nawala ang romance, stop, bago maging horror story. Bongga di ba Salve at Gorgy, ayaw nyo ng triangle love affair di bah ? Kaya, tapusin na duon ang story."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post