Viral ngayon sa social media ang prankang payo ni Karen Davila kay The Vioce Kids champion Lyca Garainod kaugnay sa pagbigay ng virginity sa boyfriend.

Ayon kay Karen, hindi dapat ito basta-basta na ibigay.

“For you, Lyca, at sa mga kaedad mo, huwag basta-basta magkaka-boyfriend, and ang mangyayari ibibigay mo na yung virginity mo. If you’re still a virgin and you’re a teenager, hold on to your virginity and purity. Kumbaga, huwag yung unang boyfriend mo, ang mangyayari, yun ang iisipin mo,

"Yung unang boyfriend mo, ‘tapos niyan, magse-sx na kayo. And before you know it, break na kayo. And after that, wala na. So, you have to parang value yourself," 

Ayon kay Karen, lage raw siya noong pinaalahanan ng kanyang magulang na huwag magbuntis ng maaga.

"When we were growing up, nasa college ako, sabi ng nanay ko, ‘Karen, please, huwag kang mabuntis nang hindi ka handa. Kasi lahat ng hinirap natin sa ‘yo, parang mawawala ang focus," 

Pinayuhan din ni Karen si Lyca na magtapos ng pag-aaral.

“It is so tempting na huwag magtapos kasi magtatrabaho. Pero if you can, kayang tapusin ang kolehiyo.”

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post