Di mapigilang banatan ng komedyanteng si Vice Ganda ang isang blogsite na nagpakalat ng isa umanong pekeng artikulo tungkol sa umanoy patutsada niya sa paglipat nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Sa kanyang twitter, ay niretweet niya ang post ng PhilNews na may headline na "Vice Ganda Has This ‘Patutsada’ Against John Lloyd Cruz, Bea Alonzo?"

Ayon kay Vice, nandidiri raw siya sa fakenews na ito at kinainisan rin niya ang mga gumagawa ng mga pekeng artikulo.

“Kadiri tong FAKE NEWS na to!!!!!! Pero mas KADIRI yung mga sumakay!!!!  Pero PINAKA KADIRI yung mga sumusweldo at kumikita sa FAKE NEWS!!!”sabi ni Vice 

"Mga taong sa panahon ngayon chismis, paninirang puri at fake news pa din ang trabaho YUUUUICCCCKKK!!!! Mas mababa pa kayo sa TA*! Yan ang #FACT !"dagdag pa niya 

Image courtesy: @vicegandako on Twitter

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post