Nangangako ang actor na si Joem Bascon na hinding-hindi niya iiwan ang ABSCBN na malaki raw ang nabigay na tulong sa kanyang career.

Willing to wait din daw ang actor kung kailan siya mabigyan ng proyekto.

“Yes, masasabi ko po. They’re taking care of me, hindi naman nila ako nakakalimutan kapag may trabaho at hindi rin nila ako nakakalimutan kausapin kapag may problema,” sabi ng actor 

Hiningan din ng reaksyon si Joem tungkol sa kapwa niya kapamilya stars na lumipat na sa ibang network.

“Hindi mo naman masisisi kasi kailangan naman nila ng trabaho, eh. Kung wala namang work sa isang network bakit po hindi basta makipag-usap sila, magpaalam sila nang tama,” paliwanag ng actor sa face to face presscon ng pelikulang “The Other Wife” 

At ang tungkol naman sa masasabi ng actor sa mga artistang binabash dahil sa paglipat.

“E, kasi tao lahat ng artista kung kailangan nila ng trabaho at wala naman silang proyekto (sa Kapamilya network) tulad nga po ng sabi ko dapat makipag-usap at magpaalam nang tama sa mga boss, sa mga nakakataas,” sambat ng actor 

Source: Bandera



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post