Viral ngayon sa social media ang sagot ng actor na si Vin Abrenica tungkol sa usapin na  mahirap umanong tiisin ng mga kalalakihan ang 'Tukso'.

Ayon kay Vin lahat umano ng tao, babae man o lalaki, ay nakakaranas ng temptasyon ngunit binigyang diin nito na nilikha ng Diyos ang tao na may kakayahang magdesisyon para sa kaniyang sarili. 

"Mayroon talagang temptations na nangyayari sa atin. Pero 'yung nakakalimutan ng statement na 'yun is God gave us a choice and that's His gift to humans, to man. Binigyan Niya tayo ng choice to choose what's right and what's wrong," sabi ni Vin sa vlog nila ng kanyang asawa na si Sophie Albert

"May taong cheater, will they always be a cheater all his life? Parang it's a choice, he chose to cheat. Or he chose to be tempted. I think that's unfair for guys. It's not a matter of s*x, biology, kung lalaki ka or babae ka."dagdag pa ng actor 

May payo rin ang actor sa magkarelasyon na hindi nagka-unawaan.

"Kung makapag-agree kayo na at risk nga 'yung relationship, kung ayaw niyo pa rin ang isa't isa, then at least you have a closure first. E 'di maghiwalay kayo. Then you do the stuff that you want to do,"

"At least you're not gonna cheat but you're gonna do what you want that can satisfy you. 'Yung pinakaano sa akin is you have a choice. you always have a choice."



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post