Inalala ng kapamilya actress na si Maris Racal ang kanyang Pinoy Big Brother journey.

Sa kanyang latest vlog ay ginawan niya ng reaction ang ilang eksena sa PBB nakung siya ay naging 2nd big placer.

Unang niyang binalikan ang pagpasok ni Piolo Pascual sa loob ng bahay ni Kuya at kumanta siya ng Hawak Kamay.

Nagreact din siya sa video kung saan umarte siya kasama si Paulo Avelino.

"Bakit naman ganun ‘yung pagkakasabi ko? Oh my Gosh. Kadiri. Akala ko ang galing ko. Bakit naman Maris ganun? Akala ko gagalingan ko tapos yuck,” natatawang sabi ni Maris

“Yung mukha ni Paulo Avelino parang natatawa. Feeling ko ang galing-galing ko. Pero guys, nanalo ako sa challenge na ito,”dagdag pa niya 

Sabi pa ni Maris habang binalikan ang ilang eksena sa PBB

"Nakakatuwa mag-look back para nakaka-reflect ka rin na grabe yung changes na nangyari sayo, yung maturity, yung confidence. Proud ako sa journey ko sa PBB,” 

Narito ang buong video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post