Ngayong araw July 10, ibinahagi ni Jaya ang mga larawan at video niya kasama ang kanyang dalawang anak habang sila ay nasa airport.

Aalis na kasi ang singer ng Pilipinas at doon muna manirahan sa Amerika.

“At the airport saying goodbye lang po, Paalam” sabi ni Jaya sa kanyang unang post kalakip ang video nilang mag-iina.

“I guess I’m saying goodbye to everyone right now. I’m just saying thank you and basta, balik na lang ako ‘pag open na lahat,”dagdag pa ng singer 

Sa isa pa niyang post ay ibinahagi niya ang larawan kasama ang kanyang anak. “Let’s do this!!! Now it’s time to see my dear husband @garygotidoc and son @gavingotidoc and start this new journey God has planned all along.,” sabi ni Jaya 

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Jaya ang kanyang mga kaibigan at fans. Makikita sa isa niyang post na kavideo call niya ang mag-asawang Ogie Diaz at Regine Velasquez.

“Mahal na mahal na mahal ko kayo…thank you sa pabaong dasal and encouragement Mare at Pare. What an honour to have you two as my dear friends and sensya na bumuhos talaga luha ko dahil mamimiss ko kayo,” sabi ni Jaya sa kanyang post 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post