Ipinaliwanag ni Action-Drama Queen na si Angel Locsin, kung bakit hindi siya lumipat ng ibang istasyon sa kabila ng kawalan ng prangkisa ng ABSCBN.

Ayon kay Angel, mananatili raw siya sa ABSCBN dahil ito ang sa tingin niya ang tama.

“Stay ako dito kasi iyon ang tingin ko na tama. Nandito lang ako kasi hindi ko kayang iwan ‘yung mga kaibigan o kapamilya. Hindi mo naman sila iiwan habang naghihirap, ‘di ba? Habang may pinagdadaanan, hindi mo ‘yan iiwan kapag mahalaga sa ’yo.

“Habang may pinagdadaanan ‘yung ABS-CBN, nandito lang ako. It doesn't mean na nakikita mo ako araw-araw; pero I am a Kapamilya pa 'rin. Nandito lang ako."

Dagdag pa ng actress, may ipon pa raw siya at may kunting investment. 

“Okay pa naman ako. Hindi ako mayaman na mayaman. Wala po akong ganoon. Siguro ‘yong years na pinagkatiwalaan ako ng tao kahit paano may ipon pa din naman. May kaunting investment. Kaya pa naman mag-survive ng pamilya ko doon."

Ayon pa kay Angel, aasikasuhin rin daw niya sa ngayon ang kanyang kasal.

“Sa ngayon, pwede naman tayong mag-YouTube, may mga endorsement. Siyempre ikakasal din ako so asikasuhin ko muna 'yon 'di ba? May mga bagay muna na siguro na kailangan muna pagtuunan ng pansin pero nandito lang ako. Nandito lang ako.”

Source: Kapamilya Circle

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post