Nanawagan ngayon ng tulong ang impersonator ni Mega Star Sharon Cuneta na si Shawee Martinez dahil sa kanya ngayong matinding sakit.

Ayon kay Shawee pabalik-balik na raw siya sa ospital at umaasa lang siya sa mga nagbibigay ng tulong. 

Nanawagan din siya sa mga netizens na sana ay itag si Sharon Cuneta.

"HINDI N PLA AKO GAGALING.LUMABAS MAN BABALIK ULIT OSPITAL WALANG WALA NA AKO UMAASA LANG AKO S MGA NAGBBGAY TULOMG SKIN...DKO NA YTA KAKAYANIN ANU MAN MANGYARI KONTI N LANG SUKO NA AKO😭😭😭sharoncuneta pa tag naman name mega baka sakali" 

Screenshot from: Shawee Martinez facebook post

Samantala sa Facebook post ng kamag-anak ni Shawee na si Rafaela de Jesus noong June 28 ay nanawagan ito ng tulong dahil sa kalagayan ngayon ng kanyang tita.

Aniya may Liver complications raw si Shawee at kailangan raw nila ng financial assistance.

"Hi facebook friends.. sa mga napa saya at natulungan niya... My tita Shawee Martinez is in a bad shape. She has LIVER Complications. She is in need of financial assistance. Any amount will do. Let us give her back the joy and help, she once gave us. 🀍 we are asking for your prayers for a fast recovery. πŸ€ŽπŸ˜”"

Inalagay rin niya ang account number kung saan pwede magbigay ng tulong.

"Gcash: Marvin M. 0956290 8225‬

Bdo Unibank inc. :Justin d castro 002470252578

Sa mga nais tumulong po, yan po gcash number lahat po ng issend po buo po mapupunta kay tita shawi namin. πŸ™πŸ½πŸ™πŸ½πŸ™πŸ½"

Ayon pa Rafaela, hindi raw nila nilagay ang picture ng kasalukuyang sitwasyon ni Shawee para sa privacy nito. 

"(Hindi na po namin piniling ilagay ang picture niya ngaun, dahil na rin po sa privacy ni tita shawee.) hindi po ito fake news or gawa gawa lang. at hindi naman kami mag iimbento ng ganitong sitwasyon. Maraming salamat po.. πŸ˜”πŸ™πŸ½πŸ™πŸ½πŸ™πŸ½"

Nanawagan rin siya na ishare ang kanyang post para makarating kina Vice Ganda at Sharon Cuneta.

"Ishare po natin ng ishare baka sakaling maka abot kay meme Vice Ganda at kay madam mega star. Sharon Cuneta.. thankyou po.. πŸ™πŸ½πŸ™πŸ½πŸ™πŸ½πŸ™πŸ½❤️❤️"


Screenshot from: Rafaela de Jesus facebook post



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post