Binanatan ng boyfriend ni Chad Kinis na si Nikko Alano Chua ang netizen na nagsasabing pera lang ang habol niya sa komedyante.

Nito lamang June 17, ay ipinost ni Nikko sa kanyang social media account ang kanyang appreciation sa boyfriend niyang si Chad at isinapubliko narin nito ang kanilang relasyon.

Ayon sa artikulo ng Pep.ph umabot raw sa 60,000 reactions at 13,000 shares ang nasabing post ni Nikko.

Umani rin ito ng samut-saring komento isa na dito ang hindi kaaya-ayang komento ng basher.

"Sanaol mapera. Sigurado yan, pag lipas na at wala nang pera si chad iiwanan mo rin yan. Hahaha."sabi ng basher 

Agad naman itong sinagot ni Nikko at sinabihan niya itong: “visit my resto and clinic ssponsoran ka namin ng mom ko at sister ko.”


Screenshot from:Pep.ph





Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post