Sa kanyang instagram stories, ibinahagi ng bagong Direktor sa Its Showtime na si Direk John Prats ang pagsakay niya sa Dumptruck para makapag-report sa Its Showtime.

Kwento ni John, dahil sa baha ay sumakay siya ng Dumptruck para makapunta sa Its Showtime dahil importante raw ang araw na ito dahil sa launching ng bagong segment na Madlang Pi-poll.

“sobrang importante ng araw na ito dahil launch ng Madlang Pi-poll segment kaya naman kailangan kong pumunta ng ABS kahit ang lakas ng ulan dahil nga sa bagyo sumakay ako sa dump truck." kwento ng actor

“At ito ang pinagdadaanan ko, kawawa ‘yung ibang mga Kapamilya natin kaya kapag may nakakasalubong ako na palabas, e, isinasabay ko na rin sila palabas dahil mas kaya ng dump truck na makalabas dito village namin. Stay safe everyone!”dagdag pa niya 

Narito ang video na credits mula sa IG Stories ni johnprats:


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post