Nag-alay ng pagmamahal ang actress na si Angelica Panganiban sa kanyang kaibigang si Zanjoe Marudo sa birthday ng actor nito lamang July 23.

Sa kanyang instagram post, ay nagbigay ng birthday message si Angelica kay Zanjoe.

"Maligayang bati sa iyong kaarawan ngus! Palagi akong masaya sa lahat ng naabot mo at palagi kitang ipagmamalaki hindi lang bilang napakahusay mo sa trabaho (pinapahanap ka pa din ni Steven Spielberg) kung hindi, mas mahusay kang tao," sabi ni Angelica

"Alam kong habang buhay kitang matatakbuhan kapag kailangan kong tumawa at makalimot. Mapalad kaming mga tropa mo. Kampai sa lahat ng pangarap na maabot mo pa! Mahal kita ng walang malisya!! Mag-gin ka buong araw please!"dagdag pa ng actress 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post