Binasag narin sa wakas ang katahimikan ni Willie Revillame tungkol sa kumakalat na tsismis na umanoy nagback-out siya sa sitcom na pagbibidahan ng actor na si John Lloyd Cruz at Andrea Torres.

Ayon kasi sa tsismis, nadisappoint umano si Willie kay John Lloyd dahil may nakita raw itong hindi niya nagustuhan sa actor sa  ginanap na cash party.

Ayon kay Willie , wala raw katotohanan ang tsismis na ito.

"Walang Ganun! Ano ba? Nananahimik ako dito, bakit ba nila ako idinadamay sa mga issue kay John Lloyd?” sabi ni Willie sa panayam ni Cristy Fermin 

Kinumpirma din ni Willie na hindi na matutuloy ang sitcom nila ng actor.

"Para na nga akong binugbog pagkatapos kong makipag-meeting. Tapos may mga inaasikaso pa ako sa sa pang-ayuda sa mga kababayan natin

 "Lumilipad pa kami sa malalayong probinsiya. Inaasikaso ko pa ang hotel na ipinagagawa ko sa Mindoro pati ang hotel ko sa Tagaytay. Saan ko pa ilalagay ang sarili ko?"

Ayon pa sa actor, wala umanong hidwaan na namamagitan sa kanila ni John Lloyd. 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post