Talagang pinuri ng Entertainment Columnists na si Lolit Solis abg bagong hairdo ni Popstar Royalty Sarah Geronimo.

“Ang ganda ni Sarah Geronimo sa bago niyang harcut Salve. Bagay sa kanya iyon short hairdo niya ngayon. Dapat talaga sa isang celebrity pabago bago ang style, hindi iyon laging ganuon ang hairdo, or lagi na lang iisa ang style ng damit.” 

Ibinahagi rin ni Lolit kung gaano ka swerte si Matteo sa kanyang asawa ngayon.

“Nakakatuwa naman na ganuon si Sarah Geronimo, parang gusto niya maiba naman ang physical charm niya ngayon, at bongga, ang ganda niya. Suwerte talaga ni Matteo Guidecelli dahil very exciting personality ang kanyang wifey, open to changes. At good cook pa, kaya ang proud proud ni Matteo tuwing meron bagong cake o pastry na niluluto ang misis niya, dahil sarap na sarap siya.” 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post