Di mapigilang matouch ng komedyanteng si Vice Ganda sa kwento ng isang delivery rider na nabiktima ng fake booking sa kanyang show na "Everybody Sing".

Sa nasabing show, inimbitahan ang mga delivery rider na sumali sa competition.

Isa sa mga rider na sumali sa nasabing competition ay si Jeffrey na matatandaang nagviral sa social matapos itong mafakebooking.

"Si Jeffrey, ay nag-viral din. Ikuwento mo naman samin kung bakit kumalat yung video mo," sabi ni Vice 

"Kumakain ako sa gilid ng drive-thru. Na-fake book po ako," sabi ni Jeffrey 

Nang tanungin naman siya kung masaya ba siya habang kinakain niya ang order ng customer: "Hindi po. Nabawasan po yung puhunan eh." 

Ibinunyag rin ni Jeffrey na matapos siyang magviral ay umabot sa Php 60,000 ang natanggap niyang tulong peru ipinamigay niya rin ito.

"60 ma'am. Pero pinamigay ko rin, ma'am. Nagpamigay rin po ako ng sampung sakong bigas sa mga kalugar ko."sabi ni Jeffrey 

Kaya naman humanga si Vice sa nasabing rider dahil sa kabutihan nito,. "Yung mga hindi na nga nakakaluwag na Pilipino. Sila na nga yun walang wala, sila pa yung ma-share."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post