'Si Ion lang, sapat na!' 

Iyan ang ilan sa mga sinabi ng komedyanteng si Vice Ganda sa isang interview ng dati nitong manager na si Ogie Diaz.

Sa nasabing interview ipinagmalaki ni Vice na masaya ang puso niya sa piling ng boyfriend niyang si Ion Perez. 

"Ang saya ng puso ko. Masaya kami ni Ion. Masaya ako kay Ion. Masaya ako sa relationship namin and every day I say thank you to God. 'Ang bait mo binigyan mo ako ng ganito.' Paano kung wala 'to?"sabi ni Vice

"Si Ion kasi hindi masalita pero kapag tumitingin siya akin tapos nakita ko na siya, kumakalma na ako. Pinakalma niya 'yung buhay ko."dagdag pa ng komedyante 

Inamin rin ni Vice na tinalikuran niya ang kanyang mga bisyo dahil kay Ion.

"Dati 'di ba gabi-gabi rampa ako ng rampa, so tinalikuran ko 'yun. Pati paninigarilyo ko, tinalikuran ko. Pag-inom, hindi na rin ako umiinom, 'di ba? Hindi na ako gumi-gimik. Si Ion lang sapat na, totoo 'yun. Sapat na ako kay Ion na nagtatrabaho ako nandiyan si Ion nakikita ko siya, okay na ako, hindi na ako rarampa." paglalahad ng Its Showtime host

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post